Target ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) na maabot ang ika-40 na pwesto sa Intellectual Property index pag-sapit ng taong 2028.
Maalalang umangat ng tatlong lebel ang ranking ng Pilipinas sa Global Innovation Index kamakailan.
Mula sa dating ika-59 na pwesto ay naabot ng Pilipinas ang ika-56 na pwesto
Ayon kay IPOPHIL Director General, Atty. Rowell Barba, pagsapit ng 2028 ay inaasahang makakapasok na ang bansa sa top-40, kahanay ang mga bansang may mataas na innovation.
Kailangan lamang aniya na pataasin pa ang inobasyon o mga paggawa ng mga bagong proyekto, imbensyon, at iba’t ibang produkto upang maabot ang naturang target.
Maliban dito, nakahanda rin aniya ang pamahalaan na tulungan ang naturang sektor, kasabay ng pagpapalakas sa intellectual property rights ng mga Filipino inventors at Filipino thinkers.
Ayon kay Atty Barba, ang target na top-40 rank ng Pilipinas ay naka-angkla rin sa Philippine Development Plan ng Administrasyong Marcos.