CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigit 1,000 trabahante at estudyante ang na-stranded matapos bumuhos ang malakas na ulan sa Lungsod ng Cagayan de Oro City kagabi.
Ito ay dahil sa lakas ng ulan kung saan hindi naging passable ang mga major highway kagaya ng kalye sa tapat ng University of Science and Technology of the Philippines ng Barangay Lapasan nitong syudad.
Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Department (CDRRMD) upang ma-transport ang mga na-stranded na mga empleyado ng malls at malalaking establishemento na nakapalibot sa nasabing paaralan.
Samantala, isang ipo-ipo o water sprout naman ang namataan sa border ng Barangay Cugman at Barangay Gusa sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Ayon kay Maynard Torres ng CDRRMD, wala namang residente ang naapektuhan ng mahinang ipo-ipo.
Gayunman, nagpapatuloy ang damage assesment ng CDRRMD kung ilan ang bilang ng mga bahay na binaha at tuluyang nawasak dahil sa naganap na urbang flooding.