CAUAYAN CITY- Muling ipina-alala ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) Ang kahalagahan ng Covid19 Booster Shot sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos ng tanggapan karamihan sa mga maitatala pa ring positibo sa Covid19 sa probinsiya ay mga partially vaccinated at mga walang bakuna kontra sa nasabing Virus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Harijhon Alabon, tagapangasiwa sa COVID-19 Vaccine sa IPHO, sinabi niya na 1,159,900 na indibiduwal ang tumanggap ng 1st booster dose, 92.3% Mula sa kabuuang bilang ng populasyon habang nasa 170,210 katao lamang o 15.70% ang nakatanggap na ng 2nd booster dose.
Sa ngayon ay pahirapan pa rin ang paghikayat sa publiko na magpaturok ng booster shot, nagiging kampante na rin ang iba habang ang ilan ay may hindi magandang karanasan matapos maturukan ng 1st dose.
Nanindigan ang tanggapan na mahalaga ang pagkakaroon ng kumpletong bakuna pangunahin na ang booster dose dahil mula sa datos noong linggo na may 256 na Covid19 Cases sa buong probinsiya, nasa 90 lamang rito ang asymptomatic, 159 ang may mild symptoms at lima dito ay nasa severe condition.
Isa sa kaso na ito ay isa lamang na bakuna ang natanggap, 197 naman ang nakatanggap ng 1st dose at 2nd dose habang 58 naman ang wala at Hindi pa sumailalim sa bakuna.