-- Advertisements --

VIGAN CITY – Kung si dating Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano raw ang tatanungin, tama lang na tinanggap ni Vice Pres. Leni Robredo ang pwestong itinalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Committee on Anti-Drugs (ICAD).

Sa panayam ng Bombo Radyo inihayag ni Alejano ang kanyang rekomendasyon sa bise gaya ng pagkakaroon ng inventory para malaman kung ano ang naging pagkukulang at dapat baguhin sa istilo ng pagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga.

Bagamat may agam-agam ang dating mambabatas sa pagiging trap umano ng posisyon, umaasa ito na tapat ang administrasyon sa pagbibigay ng pagkakataon kay Robredo para pamunuan ang kampanya.

Hiling lang din ni Alejano na mabigyan ng panahon ang pangalawang pangulo para mailatag nito ng maayos sa publiko ang kanyang mga plano.