Naniniwala si Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na dapat maranasan ng mga Filipino ang isang international standard education.
Binigyang-diin ng Lady solon na hindi dapat mabuhay ang Pilipinas sa isang mapagkukunwaring sistema na ang Pilipinas ay para sa mga Filipino.
Ang pagbubukas ng bansa para sa foreign-owned educational institutions ay isang paraan para sa mga Filipinong estudyante na magkaroon ng international standard education.
Sa isinagawang pagdinig ng Committee of the Whole on Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 kahapon, sinabi ni Garin na ang international standard education ay hindi dapat limitahan duon sa mga nais mag aral sa abroad para maging globally competitive individuals.
Ipinunto din ni Garin na ang nagpapahintulot sa foreign-owned educational institutions sa bansa ay hindi balakid na itanim sa isip ang nationalism at patriotism sa mga Filipinong estudyante.
Dagdag pa ni Garin hindi naman kabawasan sa isang Filipino at pagiging makabayan na magkaroon ng magandang edukasyon.
Tanong ng Iloilo solon sa mga opisyal ng Department of Education na kabawasan ba na maging Filipino kung maghangad para maging competitive at turuan ang mga future generation at mabigyan sila ng oportunidad na sa ngayon nakakamit lang ng mga mayayaman sa Pilipinas.
Samantala pinawi din ni Garin ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na ang RBH No. 7 ay isang banta sa national security.
Aniya, Hindi naman madepensa ng mga opisyal ng DepEd ang kanilang pahayag hinggil sa national security threat.
Ipinunto ng kongresista na layon ng Marcos Jr administration na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga matatalino at talented na mga Filipinos.
Dagdag pa ni Garin ang pagbubukas ng bansa sa mga banyagang paaralaan ay malaking tulong para lalago pa ang ekonomiya ng bansa.