Binigyang diin ng DOT na ang patuloy na international surfing events sa Siargao Islands ay paalala ng sustainable tourism na nagtutulak ng positibong pagbabago sa isla at sa mga tao nito.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Undersecretary Shahlimar Hofer Tamayo, ito ay isang showcase kung paano umunlad ang mga komunidad sa pamamagitan ng eco-conscious practices, responsable tourism, at isang pangako sa pangangalaga sa mismong kapaligiran.
Mahigit 100 professional surfers mula sa Australia, Japan, Indonesia, Sweden, at Pilipinas ang maglalaban-laban para sa nangungunang puwesto sa international surfing tournament ngayong taon sa nasabing lugar.
Ang kumpetisyon, na tatakbo hanggang Nob. 1, ay isang Qualifying Series (QS) 3000 at pinapahintulutan ng World Surf League (WSL).
Sinabi ni Tamayo na ang DOT ay nagbigay ng buong suporta sa taunang international surfing event sa Siargao na nakakuha ng pagkilala sa buong mundo.
Una nang sinabi ng DOT na ang nasabing event at mga beach actvities sa Siargao ay may malaking ambag sa turismo at ekonomiya ng bansa.