-- Advertisements --
Binisita ng International Criminal Court ang lawak na pinsala ng pagguho ng Nova Kakhovka sa southern Ukraine.
Ito ay matapos na nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa nasabing lugar na ikinasawi ng ilang katao na nagresulta rin sa pagkakasira ng mga kabahayan.
Nais ng grupo na malaman kung dapat nga bang panagutin ang Russia sa nasabing insidente.
Inaasahan naman ng mga opisyal ng Ukraine na maaring hanggang sa susunod na linggo ay tuluyan ng huhupa ang malawakang baha na nagsimula noong nakaraang dalawang linggo.