-- Advertisements --
image 209

Agad na pinakilos ng Department of Transportation (DOTr) ang isang Inter-Agency Task Force para sa mas mahigpit na seguridad sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) kasunod ng umano’y bomb threat na natanggap nitong umaga ng Biyernes.

Kinumpirma ni DOTr-Office for the Transportation Security (OTS) Undersecretary Mao Aplasca na ipinadala ang bomb threat sa pamamagitan ng email.

Pinangunahan nina Office for the Transportation Security Usec. Mao Aplasca, DOTr Usec. for Railways Cesar Chavez, DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center Usec. Alex Ramos, at QCPD Dir. Brig. Gen. Redrico Maranan ang inspeksiyon sa MRT-3 system para i-asses at masiguro ang kaligtasan at seguridad sa train station at mga pasahero.

Ayon sa DOTr, nakumpleto na ang visaual check inspection ng mga pasilidad ng MRT3.

Wala ding sinuspendi na operasyon ng MRT-3 bunsod ng insidente.

Umapela naman ang tnaggapan sa publiko na iwasan ang pagpapakalat at pagshi-share ng hindi kumpirmadon impormasyon upang hindi magdulot ng panic.