-- Advertisements --

Humina na ang kakayahan ng Russia para sa pag-ispiya sa Europe.

Ayon kay MI6 head Richard Moore, na matapos na mapatalsik ang mahigit 400 Russian intelligence officer sa mga lungsod ng Europa ay humina na ang ginagawa nilang spying.

Bukod pa dito ay maraming mga Russians na rin ang kanilang naaresto na nagpapanggap na sibilyan.

Nagkaroon rin ng epekto sa paghina ng intelligence ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.