CENTRAL MINDANAO- Sugatan ang isang sundalo sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Corporal Brenston Arias Balderas, 33 anyos, binata, Intelligence Officer ng Philippine Marines at residente ng Taguig City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Don Cesar Street Barangay Poblacion 4 sa siyudad ng Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa mataong lugar sa lungsod at biglang naglaho.

Agad dinala ang biktima ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan at nasa maselang kondisyon nang magtamo ito ng tama ng bala sa leeg.

Marami ang naniniwala na posibling mga miyembro ng Liquidation Sguad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang namaril sa bitima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa naturang pangyayari.