-- Advertisements --
chief Laurel

Bubuo si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng isang intelligence group para masugpo ang korupsiyon at smuggling na bumabalot sa sektor ng arikultura.

Ito bilang pagtalima sa marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kalihim na linisin ang ahensiya.

Sinabi din ng kalihim na inatasan siya ni PBBM na palakasin ang produksiyon ng bigas para gawing mas abot-kaya ang presyo ng naturang produkto para sa mga Pilipino.

Subalit inamin nito na hindi pa makakamit sa ngayon ang pangako ni Pangulong Marcos na maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas.

Kamakailan kasi ang presyo ng bigas ay pumalo sa 15 year high o 700 dollars sa pandaigdigang merkado dahil na rin sa mga epekto ng climate change at El Nino na maaaring makaapekto sa produksiyon ng bigas.

Base sa market monitoring ng DA, ang presyo ng well-milled rice ay nasa P53 sa Metro Manila habang mayroong ibang pamilihan na nagbebenta ng P45 kada kilo.

Samantala, plano ng DA na buhayin ang Bureau of Agricultural statistics para magkaroon ng wastong datos sa agrikultura para mapahusaya pa ang sektor.