-- Advertisements --
Tiniyak ng Pakistan na sila ay gaganti sa ginawang pag-atake ng India.
Naglunsad ng malawakang pag-atake ang India sa siyam na lugar sa Pakistan at Kashmir region.
Ayon sa Pakistan military na sa insidente ay mayroong tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang bata.
Sinabi naman ni Pakistan’s Prime Minister Shehbaz Sharif, na ang pag-atake na ito ng Indi ay maituturing na isang kaduwagan.
Magugunitang kapwa inaako ng India at Pakistan ang Kashmir kung saan noong nakaraang buwan ay pinagbabaril ng rebeldeng grupo mula sa Pakistan ang mga turistang India na nasa lugar.