Naghain ng panukalang batas sa Senado si Senator Christopher “Bong” Go na naglalayong magkaroon ng insurance coverage para sa mga environmentally critical projects.
Sa inihaing Senate Bill No. 2358 nais ni Go na magkaroo ng national framework para sa mandatory environmental insurance coverage sa mga kritikal na proyekto na may kaugnayan sa kalikasan.
“This has led to almost irreparable damage to the environment, seriously jeopardizing future generations. The Philippines is no exception to this high cost,” ayon kay Go.
Sa ilalim ng panukala, magagarantiyahan ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa restoration at compensation ng mga nasirang bahagi ng kalikasan dahil sa mga proyekto.
“It is the duty of the State to uphold the quality of life of its people through the protection of the environment they live in,” dagdag ng senador.
Salig sa panukala ni Go, magtatatag ng establishes national framework para sa Mandatory Environmental Insurance Coverage (MEIC). Lahat ng may-ari at operators ng mga environmentally critical projects (ECPs) ay obligadong kumuha ng MEIC.
Ito ay para matustusan ang hindi magiging magandang epekto sa kalikasan ng kanilang operasyon.
Sakop ng ECPs ang mga heavy industries, major manufacturing industries, major resource-extractive industries, major infrastructure projects, at iba pang kahalintulad na proyekto na may banta sa kalikasan.
Ang mga may-ari ay at operators ng ECPs ay hindi papayagan na makapagsimula ng kanilang konstruksyon o proyekto nang walang MEIC.
Sa ilalim ng panukala ay inaatasan din ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na magkaroo ng ng Inter-Agency Committee, na mayroong chairperson at Commissioner of the Insurance Commission at mga kinatawan mula sa insurance industry, mining industry, at iba pang stakeholders.
Ang IATC ang tutukoy sa posibleng negatibong epekto sa kalikasan ng ng mga proyekto ng ECPs.
Ang magiging beneficiaries ng MEIC ay ang apektadong komunindad, stakeholders, at local government units.
Beneficiaries din ang government departments, bureaus, at mga ahensya na maaatasang magsagawa ng rehabilitasyon, cleanup, at monitoring sa lugar na naapektuhan ng aktibidad o proyekto.
“While we cannot stop the advancement of industrialization, we cannot sacrifice our environment at the altar of modernization,” ayon pa kay Go.
Naghain din si Go ng SB 2359 na layon namang magakaroon ng competitive remuneration at compensation sa mga social workers bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.