-- Advertisements --
image 404

Nilinaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi kasama sa papatawan ng mataas na buwis ang mga instant noodles.

Sinabi ng kalihim na kahit mataas na sodium content ng mga instant noodles ay hindi nila isinama dahil ito ay madalas na tinatangkilik ng masa.

Ang isang pakete kasi ng instant noodles ay naglalaman ng 1,500 milligrams o hanggang 2,000 mg. ng sodium na ang inirerekomendang dapat magkaroon ang isang tao ay hanggang 2,300 mg ng sodium kada araw.

Magugunitang ibinunyag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na isinusulong ni kasalukuyang administrasyon ang pagpasa ng bagong tax measures ngayong taon lalo na ang pagbuwis sa mga matatamis na inumi at mga junk foods.