-- Advertisements --
image 177

Kinumpirma ng highest ranking police officer sa Poland na si Jaroslaw Szymczyk na ang naganap na pagsabog ay mula sa regalo na binigay sa kaniya ng Ukrainians na aksidenteng sumabog.  

Nagtamo ng minor injuries si Jarowslaw Szymczyk kasama ang isa pang staff habang binubuksan ang nasabing regalo sa kanyang Warsaw Office.

Aniya, habang inililipat niya ang gamit na granadang regalo ng Ukrainians, nagkaroon umano ng malakas na pagsabog na nagdulot ng pinsala sa kisame.

Ang regalo ay natanggap ni General Szymczyk noong bumisita siya sa Ukrain.

Samantala, binigyang diin naman ng Ukrainians na ang mga granadang iyon ay nagamit na at hindi naglalaman ng ano mang pangpasabog.

Matapos ang insidente, kwinestiyon ng ilang politiko ng oposisyon ang kapasidad ni Jaroslaw Szymczyk na pamunuan ang kapulisan. (with reports from Bombo Angelica Nuñez)