ROXAS CITY – Nailigtas ang 39-anyos na inmate na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso sa loob ng Capiz Rehabilitation Center sa lalawigan ng Capiz.
Ayon kay CRC Jailwarden Arjuna Yngcong, nakitang duguan si alyas Dodoy ng isang inmate sa kanyang isolation cell sa nasabing facilidad.
Kaagad itong ipinaalam sa mga jailguards na siyang nagdala sa inmate sa ospital, kung saan ginamot ang natamong sugat nito.
Inaalam sa ngayon ng CRC kung saan nakuha ni alyas Dodoy ang blade na ginamit sa tangkang pagpakamatay.
Samantala binigyang linaw ni Yngcong na inilagay sa isolation cell o inihiwalay si alyas Dodoy sa iba pang inmates, dahil diumano may problema ito sa pag-iisip at minsan ay nagiging bayolente at nananakit ng kapwa preso.
Nagduda sila na may sakit sa pag-iisip ang nasabing inmate dahil nakita nila itong kumakain ng buhay na manok at kumikilos na hindi gay ang normal na tao.
Napag-alaman na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms si alyas Dodoy na resident ng bayan ng President Roxas, Capiz.