GENERAL SANTOS CITY – Bantay-sarado sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City ang isang preso sa Sarangani Provincial Jail matapos nagtangkang magpakamatay.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo GenSan, nalaman na ginilitan umano ng inmate na si Troy Pandi-an, 22-anyos, residente ng Malungon, Sarangani Province ang kanyang leeg sa loob mismo ng kanyang selda.

Nalaman na nahaharap sa kasong rape ang naturang bilanggo.

Ayon sa kapatid nitong si Jonalyn, maaari umanong ang labis na kalungkutan ang dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang tangkang pagpapakamatay.