Sinibak na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang isa sa mga miyembro ng kanyang team na dumalo sa isang party na kalaunan ay ni-raid dahil sa iligal na droga.
Sa isang statement, sinabi ng opisina ng alkalde na sinibak si Jefry Tupas isang araw matapos na dumalo siya sa isang party kung saan nakakuha ang mga awtoridad ng P1.5-million halaga ng party drugs at marijuana.
Sumakto pa nga aniya ang paghahain ni Tupas ng kanyang resignation noong ipinabatid sa kanya na siya ay sinibak na sa posisyon na kanyang dating hawak.
Nauna nang inamin ni Tupas kasama ang kanyang boyfriendsna andoon din siya sa party kung saan nakakuha ang mga awtoridad ng iligal na droga.
Sabado nang mangyari ang naturang raid, kung saan naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency ang 17 katao, kung saan karamihan sa kanila ay sinasabing nahuli sa akto sa kalagitnaan ng drug session.