-- Advertisements --

Inaasahang patuloy ang downtrend ng inflation rate sa Pilipinas ngayong Disyembre ng 2023 base sa inilabas na forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa pagtaya ng central bank, tinatayang maitatala sa range na 3.6% hanggang 4.4% ang inflation rate ngayong huling buwan ng taon.

Ang lower end ng forecast range ng infaltion ay mas mabagal sa 4.1% na naitala noong Nobiyembre habang ang upper end naman na pagtaya ng BSP ay bahagyang mas mabilis kumpara noong nakalipas na buwan.

Paliwanag ng central bank na ang mas mataas na presyo ng bigas at karne ang nakikitang pangunahing dahilan ng upward price pressures ngayong Disyembre.

Habang ang mas mababang presyo naman para sa agricultural items gaya ng mga gulay, prutas at isda gayundin ang mas mababang singil sa kuryente at presyo ng mga produktong petrolyo ay inaasahang makakaambag sa downward price pressures ngayong buwan.

Nakatakda namang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na datos sa inflation para sa buwan ng Disyembre sa Enero 5, 2024.