-- Advertisements --

Lalo pang bumagal ang bilis nang pagtaas ng presyo ng mga produkto o serbisyo noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto o serbisyo sa bansa ay bumagal sa antas na 4 percent noong Hulyo 2021.

Ang dahilan nang pagbagal ng antas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mas mabagal na paggalaw ng transportation cost na mayroong 7 percent inflation.

Ayon kay Mapa, ang transportation cost ay mayroong 77.5 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Gayunman, dahil sa naitalang datos noong Hulyom ang year-to-date average inflation na sa ngayon ay 4.4 percent, mas mataas pa rin kumpara sa target range ng pamahalaan na 2 percent hanggang 4 percent.