Patuloy na tinitingnan ng mayorya ng mga Pilipino ang pagkontrol sa inflation bilang pinaka-mabigat na alalahanin ng bansa na dapat tugunan kaagad ng pambansang administrasyon, batay sa natuklasan ng Pulse Asia survey.
Ayon sa resulta ng survey, ang tanging pambansang alalahanin na itinuturing na urgent ng 63% ng mga Pilipino ay ang pangangailangang kontrolin ang inflation.
Sinabi ng Pulse Asia na ang opinyon ng publiko tungkol sa mga pambansang alalahanin ay halos hindi nagbabago mula Marso Hunyo 2023.
Pangalawa sa listahan ng pinaka-apurahang alalahanin ay ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa habang ang paglikha ng mas maraming trabaho gayundin ang pagbabawas ng kahirapan ay itinuturing na urgent concern ng halos isang katlo ng mga nasa hustong gulang na Pilipino.
Kaugnay niyan, 25% ang natukoy ang pangangailangang labanan ang graft and corruption sa gobyerno bilang isang pambansang alalahanin.
Binanggit ng Pulse Asia na ang pagkontrol sa inflation ay ang nangungunang concern at pangalawang ranggo na na pambansang alalahanin noong Hunyo 2023.