Posibleng wala nang lulutang na coronavirus variant na mas malala pa sa mas nakakahawang Delta variant, na nag-ugat sa India kahit hanggang sa susunod na taon, ayon sa isang infectious disease expert.
Sinabi rin ni Dr. Rontgene Solante na umaasa siyang hindi na rin masusundan pa ng iba pang mga heavily mutated na variant ang Omicron.
Gayunman, sinabi ni Solante na dapat protektahan pa rin ng gobyerno ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19, na may mas malaking peligro na mahawa sa naturang respiratory disease.
Sa kabilang dako, sinabi naman niya na mayroong pros at cons sa pagbasura ng pamahalaan sa facility-based quarantine para sa mga fully vaccinated nang biyahero at mga returning overseas Filipinos sa harap ng pagsirit ng COVID-19 infections.
Sa ngayon ay nananatili pa rin namang mababa ang vaccination rate kasi sa bansa kaya may posibilidad pa ring maraming mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 ang mahawa sa sakit at sumirit pa ulit ang mga kaso.
Pero maari rin namang makatulong ang bagong patakaran na ito pagdating sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.










