-- Advertisements --

Umaabot na sa 3,821,668 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa naturang bilang 2,209,054 (98%) ang nasa mild condition at 48,211 (2%) naman ang serious o critical condition.

Nabatid na Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamataas na bilang ng infected (1,263,092) at maging sa mga nasasawi (74,799) dahil sa COVID-19.

Samantala, 265,042 naman ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa nasabing deadly virus.

Habang ang mga naka-recover ay 1,299,361, matapos ang gamutan at quarantine procedure.