-- Advertisements --
Umakyat na sa 5,500,268 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 2,798,299 (98%) ay mayroong mild condition at 53,223 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.
Sa listahan ng mga bansa, pinakamarami pa rin ang infected sa USA na may 1,686,436, pangalawa ang Brazil na may 365,213, pangatlo ang Russia na may 344,481, pang-apat ang Spain na mayroong 282,852 at panglima ang United Kingdom na may 259,559.
Ang kabuuang bilang naman ng mga namatay ay 346,719.
Habang 2,302,027 naman ang naka-recover matapos ang gamutan at quarantine procedure.