-- Advertisements --

Umaabot na sa 11,182,576 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 4,302,806 (99%) ang nasa mild condition at 58,838 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Habang sa mga bansang may kaso ng corona virus, Estados Unidos ang nangunguna sa dami ng mga infected ng nasabing sakit.

Nasa pangalawa ang Brazil, pangatlo ang Russia, pang-apat ang India at panglima ang Spain.

Ang mga nasawi naman ay umaabot na sa 528,409; habang 6,292,523 ang mga gumaling matapos ang gamutan at quarantine procedure.