-- Advertisements --

Umaabot na sa 1.1 million ang bilang ng mga naitalang positibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 772,148 (95%) ang nasa mild condition, habang 39,391 (5%) ay serious o critical condition.

Pinakamaraming kaso ay naitala sa Estados Unidos na mayroong 277,475, sinusundan ng Italya na nakapagrehistro ng 119,827, at pangatlo naman ang Espanya na may 119,199 cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi ay lumobo pa sa halos 60,000.

Nangunguna sa listahan ng mga namatay ang Italya na nakapag-record na ng 14,681, pangalawa ang Espanya na may 11,198 at pangatlo ang Estados Unidos na may 7,402 fatalities.

Samantala, 228,975 naman ang mga naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine period.