-- Advertisements --

VIGAN CITY – Sapat umano ang mga relief supply para sa mga taga-Batanes at iba pang residente na labis na naaapektuhan ng Bagyo Ineng lalo na ang mga nakatira sa Northern Luzon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council-Office of Civil Defense spokesman Mark Timbal, na bago pa man dumating ang nasabing bagyo ay naihanda na nila ang mga relief supply na ipapamigay nila sa mga evacuee lalo na sa bayan ng Itbayat na hindi pa nakakabangon sa mapaminsalang lindol na kanilang naranasan kamakailan.

Maliban sa mga relief supply na naipadala na sa Itbayat, mayroon pang mga karagdagang tent na naipamigay na maaaring pansamantalang tuluyan ng mga evacuee.

Kasabay nito ay pinayuhan ng opisyal ang publiko na kung maaari ay makinig sa mga babala na ipinapalabas ng mga local disaster risk reduction and management council upang walang maitalang casualty o iba pang pinsala kapag mayroong mga kalamidad na darating.