DOLE labor
-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maiakyat sa 50 hanggang 70 percent ang operation ng mga business establishments sa bansa.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique R. Tutay, kakaunti lamang kasi ang epekto sa employment losses nang pagpayag sa indoor dine-in at personal care services sa ilalim ng limitadong capacity operations sa umiiral ngayon na alert level systems.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng alert level 4 ang Metro Manila, kung saan pinapayagan ang indoor dine-in services at ilang personal care services na makapag-operate para lamang sa mga fully-vaccinated na sa limitadong 10 percent capacity.

Ang outdoor o alfresco dine-in services naman sa mga restaurants ay pinapayagan din pero sa 30 percent capacity naman, anuman ang vaccination status ng isang customer.

Ang mga personal care services na limitado pa lang sa mga barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons ay pinapayagan na ring mag-operate din sa 30 percent kung mayroon silang outdoor services.

-- Advertisement --