-- Advertisements --

Umaasa si Indonesian President Joko Widodo na mas lalong mabigyan ng pagkakataon ang mga negosyante mula sa kanilang bansa na makapagpasok ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Ginawa ni Presidente Widodo ang pahayag sa pulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inihalimbawa daw ni Jokowi na sana ang aircraft deal ng kompaniyang PT Dirgantara ay matuloy.

Ayon pa sa presidente umaasa siya na sana ituloy ng Pilipinas ang pagbili ng tinaguriang NC212i aircraft mula sa PT Dirgantara.

Ang PT Dirgantara Indonesia (Indonesian-aircraft Industries) ay gumagawa ng iba’t ibang mga aircraft na nababatay sa pangangailangan ng mga civil airline, military operators at iba pang mga missions.

Tinukoy din naman ni Widodo ang ilang Indonesian state-owned enterprises na nakibahagi sa development programs sa Pilipinas para mapag-ibayo pa ang cooperation sa infrastructure at trategic industries ng dalawang bansa.

Isa pa raw na halimbawa ay ang pagbili ng dalawang landing platform dock vessels ng PT PAL at ang railway signaling project sa Manila ng PT LEN.