-- Advertisements --
image 40

Nanawagan si Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) na igalang at gamitin ang probisyon ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos).

Ito ay bilang gabay aniya sa pag-aagawan ng maraming bansa sa WPS.

Ayon sa Indonesian Minister, malinaw ang posisyon ng ASEAN sa WPS, at ito ay ang paggamit sa nilalamang probisyon ng naturang batas.

Ang naturang pahayag ay kasunod na rin ng pinakahuling insidente na nangyari sa West Phil Sea kung saan binangga ng barko ng China ang resupply boat ng Pilipinas na nasa karagatang bahagi ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay Marsudi, pinag-uusapan na ng mga miyembro ng ASEAN ang pagkakabuo ng isang Code of Conduct na maaaring sundin sa ilalim ng naturang karagatan.

Umaasa ito na matatapos na nila ang naturang negosasyon at magagamit na ito ng bawat bansa na may claim sa naturang karagatan.

Naniniwala rin ang opisyal na kapag sinunod ng bawat claimant ang Code of Conduct, magiging kaaya-aya ang sitwasyon sa naturang karagatan.