-- Advertisements --

Nagpasya ang Indonesia na hindi na sila magpapadala ng kanilang pambato sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa Disyembre.

Sa inilabas na pahayag ng Puteri Indonesia Foundation ang humahawak ng MIss Universe pageant sa nasabing bansa na naging kulang ang kanilang preparasyon at ang pagkakaroon ng local COVID-19 restrictions.

Tiniyak naman nila na lalahok sa nasabing pageant sa susunod na taon.

Hanggad na lamang nila ang tagumpay ng 70th Miss Universe lalo na sa mga contestants.

Magugunitang noong nakaraang araw ay nagpositibo sa COVID-19 si Miss Universe France 2021 Clemence Botino pagdating nito sa Israel.

Isinara rin ng Israel ang kanilang border para maiwasan ang pagdating ng Omicron variant ng COVID-19.