-- Advertisements --

Bumaba ang puwesto ang Pilipinas sa medal ranking sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Tanging ang individual soft tennis event lamang may nakuha ang Pilipinas na gold medal nitong Miyerkules.

Nakuha ng beteranong soft tennis player Joseph Arcilla ang gintong medalya.

Dahil dito ay nasa pang-anim na puwesto ang Pilipinas na mayroong 26 gold, 44 silver at 56 bronze medals.

Dahil dito ay nangangamba ang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission (PSC) na baka hindi mahigitan ng Pilipinas ang nakamit na 52 gold medals noong Hanoi SEA Games na ginanap noong nakaraang taon.

Nasa unang puwesto kasi ang Vietnam na mayroong 50 golds, 50 silver at 61 bronze medals habang ang host country ay mayroong 47 golds, 41 silver at 51 bronze medals at ang Thailand ay mayroong 47 gold, 36 silver at 53 bronze medals.