-- Advertisements --

Nasa pangatlong puwesto na sa pinakamaraming kaso ng coronavirus sa buong mundo ang bansang India.

Mayroon kasing mahigit isang milyon na kaso ang naitala sa nasabing bansa.

Sa nasabing bilang ay mayroong halos 26,000 naman ang nasawi at mahigit 644,000 naman ang gumaling na.

Itinuturo naman ng mga eksperto na ang sanhi ng pagtaas ng kaso ay ang maagang pagtanggal ng restriction mula ng ipatupad ang lockdown noong Marso.

Nasa unang puwesto pa rin ang US at sinundan naman ng Brazil sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus habang nasa pang-apat na puwesto naman ang Russia.