-- Advertisements --
Inaprubahan ng India ang kanilang needle-free at nasal type COVID-19 vaccine na sariling gawa nila.
Ang Bharat Biotech na unang nakagawa na ng nasabing mga nagdaang bakuna ay nakakuha na ng go-signal mula sa World Health Organization noong Nobyembre.
Ayon sa drug regulator ng India na maaaring magamit na ito ng mga adults pero hindi maaaring magamit bilang boosters.
Sinabi ni health minister Mansukh Mandaviya na ang hakbang ay para mapaigting ang kanilang laban sa COVID-19.
Magugunitang una ng inaprubahan ng China ang unang nasal coronavirus vaccines na Convidecia Air na ginagamitan ito ng nebulizer.