-- Advertisements --

Inihayag ni India Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran na handa ang India na palakasin pa ang military partnership nito sa Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.

Ito ay kasabay ng courtesy call nito kay presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa headquarters ng kampo ni Marcos sa Mandaluyong City.

Ayon sa Indian ambassador na ipagpapatuloy nito ang pagsusulong ng isang excellent bilateral relations sa Pilipinas.

Inihayag din nito na nais ng India na makatuwang ang gobyerno ng Pilipinas pagdating sa capacity-building at capacity development ng Philippine military.

Nauna rito, lumagda sa isang kasaunduan ang DND at ng BrahMos Aerospace na isang Indo-Russian multinational aerospace and defense corporation, para sa pagtanggap ng P18.9 billion na shore-based anti-ship missile system.

Nakipagpulong din ang ibang diplomats kay Marcos kabilang sina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at South Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul.