-- Advertisements --

Ibinunyag ng India na aksidente itong nagpakawala ng missile paharap sa Pakistan.

Ayon sa India na nagkaroon ng tinatawag nilang “technical malfunction” kaya nangyari ang insidente.

Labis silang nagsisii at nagpasalamat dahil walang nasawi.

Sinabi naman ng Pakistan military na bumagsak ang “high-speed flying object” malapit sa Mian Channu city.

Binalaan na lamang ng Islamabad ang India na iwasan na maulit ang nasabing pangyayari.