-- Advertisements --

Nanawagan ang grupo ng mga pork producers sa pamahalaan na bigyan sila ng P10,000 indemnification sa kada baboy nilang isasailalim sa culling dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ginawa ito ng Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) matapos na isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang buong bansa sa state of calamity bunsod ng ASF.

Iginiit ni Nicanor Briones, vice president ng ProPork, na mahalaga para sa kanila ang pagkakaroon ng indemnification fund sa kada ulo ng baboy na kakatayin dahil sa ASF.

Gayunman, pinuna namana ni Briones ang hindi pagkakaroon ng amiyenda sa Executive Order No. 128 at implementasyon ng Food Safety Act sa ilalim ng Presidential Proclamation 1143, ay tatagal hanggang sa katapusan ng taon maliban na lamang kung bawiin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang nagkasundo ang Senado at economic team ng pamahalaan sa isang kompromiso na baguhin ang tariff rates ng pork imports sa 10 percent in-quota at 20 percent naman para sa out-quota sa unang tatlong bwuwan, at 15 percent at 25 percent naman sa nalalabing siyam na buwan.