-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dead on arrival sa ospital matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspect ang incumbent councilor na si Apolonio Medrano, malapit sa municipa hall.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Sarrat, katatapos lamang ng flag raising Ceremony at habang nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang sasakyan ay pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Lumalabas na pauwi na sana ang konsehal ngunit hinintay umano ng mga suspek at nasa likod lamang ng kanyang sasakyan.

Nabatid na higit sa anim ang narinig na putok ngunit wala pa umanong narekober na kapsula.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ang isang motorsiklo.

Ayon naman sa anak nitong ni Mr. Rexel Medrano, wala siyang alam na dahilan para patayin ang kanyang ama dahil wala naman umano itong nakaaway.

Sinabi nito na nagulat na lamang umano siya ng nalaman na nabaril ang kanyang ama dahilan para agad na magtungo sa lugar.

Iginiit nito na dapat mahuli at maikulong ang mga suspek para mabigyan ng hustisya ang nangyari.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para mabatid kung ano ang motibo ng krimen.

Samantala, ang biktima si Medrano ay tumatakbong konsehal sa kanilang bayan at pinsang buo ni Mayor Remigio Medrano.