Ipupursige ng papasok na Marcos administration ang critical engagement sa China sa kabila ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pakikipag-usap ni former UP Professor at incoming Security adviser Clarita Carlos kay President-elect Ferdinand Marcos nitong Miyerkules, isa sa tinalakay ang usapin hinggil sa relasyon ng bansa sa China.
Kahapon, June 8, inanunsiyo ang nominasyon ni carlos bilang susunod na National Security Adviser. Hahalinhinan ni Carlos si former military chief of staff Hermogenes Esperon Jr.
Ibinahagi din ni Carlos na tinanggap niya ang alok ni Marcos na maging National Security Adviser dahil ang defense, security at foreign policy ang kaniyang areas of research at expertise.
Ipinunto din ni Carlos na saklaw din ng national security ang economic life ng bansa kung saan dapat ding ikonsidera ang seguridad sa buhay, pagkain, enerhiya at tubig.
Binigyan diin din nita na hindi tama para sa Pilipinas tularan ang konsepto ng national security ng Amerika na nakapokus sa military perspective.
Nauna ng hinangaan ni Marcos Jr ang kaalaman ni Carlos pagdating sa foreign policy at international politics.
Si Carlos din ang isa sa mga panelist sa natatanging dinaluhang presidential debate ni Marcos noong election period.