Iniulat ng Metro Manila Development Authority na ang inaprubahan ng World Bank na 50-year Metro Manila Drainage Master Plan ng MMDA ay maaaring maging isa sa solusyon upang matugunan ang pagbaha sa Metro Manila.
Ayon sa ahensya, ang proyekto ay sa pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways at iba pang kinauukulang ahensya sa National Capital Region.
Inihayag ng MMDA na ang traffic authority ay nagsasagawa na ng scoping at inventory para matukoy kung aling Local Government Unit ang may master plan.
Tinutukoy din nila kung paano isasama ang mga planong ito sa komprehensibong master plan.
Una na rito, isinaalang-alang ng 50-year plan ang weather pattern, sea level at projected rainfall para maiwasan ang pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.