Nasa halos 3 million metric tons ng bigas ang inangkat ng Pilipinas noong Setyembre ayon sa data mula sa Bureau of Plant industry (BPI).
Ito ay 7.6% na mas mataas kumpara sa 2.8 million MT na binili para sa buong taon noong 2021.
Ang bansang Vietnam ang pangunahing pinagkunan ng imported rice na katumbas ng 82.5% ng kabuuang 2.5 million MT rice imports ng bansa na nalagpasan ang full-year import volume na 2.4 million MT noong nakalipas na taon.
Pumapangalawa naman ang bansang Myanmar kung saan nasa 203,879.280 MT rice imports mas mataas naman ito kumpara sa inangkat na 196,718.900 MT noong nakalipas na taon.
Pangatlo ang Thailand kung saan nasa 150,416.375 MT rice imports , tumaas din ito mula sa 2021 import volume sa naturang bansa na nasa 131,256.500 MT lamang.
Sa kasalukuyan, subject ang mga inaangkat na bigas sa most favored nation (MFN) tariff rate na 35% pareho para sa in-quota at out-quota imports hanggang sa Disymebre 30. Subalit pagdating naman sa Enero sa taong 2023, ang taripa ay tataas ng hanggang 40% para sa in-quota at 50% naman para sa out-quota.
Ito ay alinsunod na rin sa Executive Order No. 171 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo.