-- Advertisements --
Naging mapayapa ang kabuuang sitwasyon sa araw ng panunumpa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni NP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na naipatupad ng tama at mapayapa ng kapulisan ganun din ang Manila Task Force Shield, ang security plan sa inaugurasyon ni Marcos Jr.
Wala rin aniyang anumang malalaking insidente o krimen na naganap sa buong Metro Manila at maging sa buong bansa.
Pinasalamatan ni Danao at binati nito ang mga kapulisan na nagbigay ng seguridad sa araw ng panunumpa ni Marcos.










