ILOILO CITY – Tiniyak ng Iloilo City government ang mas makulay at enggrandeng Digital Dinagyang 2021 matapos ang isinagawang opening salvo kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na mapapakinggan at mapapanood ng buong mundo ang higlights ng Digital Dinagyang 2021 sa fanpage sang Bombo Radyo Iloilo.
Ayon sa alkalde, Iloilo City lamang ang nakapagsagawa ng festival sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Aniya, bagamat halos naging imposible ang selebrasyon ng Dinagyang festival ngayong taon, natutuwa ang opisyal dahil natuloy ito.
Ayon pa sa alkalde, mas marami rin ang makakapanood ng Digital Dinagyang 2021 maging ang mga banyaga sa kadalasan ay pumupunta pa sa Iloilo dahil virtual na ang lahat ng kaganapan.
Ilan sa mga higlights ay ang sumusunod:
Enero 15 tubtob 23 – Novena Days
Enero 15 (4:30 ng hapon) – Installation of Hermana and Hermano Mayor 2021
Enero 16 (4:30 ng hapon) – Reenactment ng baptism ni Queen Juana
Enero 17 (4:30 ng hapon) – Coronation and Installation of Niño Ambassador
Enero 21 (4:30 ng hapon) – Floral Offering kag misa para kay the late Reverend Father Ambrosio Galindeza, O.S.A, ang Father of Dinagyang
Enero 22 (2:00 ng hapon) – Motorcade ni Senyor Santo Niño
Enero 23 (6:00 ng gabi) – Virtual Religious Sadsad
Enero 24 (4:30 ng umaga) – Concelebrated High Mass
Enero 25 (4:30 ng hapon) – Thanksgiving Mass