-- Advertisements --

Masayang ipinagmalaki ng actress na si Ina Raymundo na ang anak nitong lalaki ay nakuhang manlalaro ng baseball team ng Xavier University sa US.

Ina Raymundo Son

Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ito ng larawan ng anak na si Jakob Portunak na nakasuot ng baseball uniform.

Dagdag pa nito na naging sulit ang ginawang paghihirap at dedikasyon ng anak para makapasok sa nasabing baseball team.

Maglalaro ang anak nito sa Cincinnati-based Musketeers sa NCAA Division 1.

Magugunitang noong Agosto rin ay ipinamalita ng actress sa mga fans na mag-aaral sa Boston College of Music ang panganay na anak nito na si Erika.