vigan
Vigan City
-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patay ang isang ina matapos nitong ibuwis ang kanyang buhay upang mailigtas ang nalulunod na anak sa isang ilog sa Barangay Poblacion Sur, Salcedo.

Nakilala ang biktima na si Jona Alcantara, 33-anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan kay P/Cpl. Darwin Galango ng Salcedo Municipal Police Station, kasama ng biktima ang kanyang anak at pamangkin na naligo sa Buwaya River.

Napansin ni Jona ang kanyang anak na nalulunod kaya agad niya itong iniligtas ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na nito nagawa pang isalba ang kanyang sarili.

Nadala pa ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa bayan ng Salcedo ngunit hindi na ito umabot pa nang buhay.

-- Advertisement --