DAVAO CITY – Inihayag ni Dr. Salome Jonson, ina ng Davao based artist na si Bree Jonson na may gagawin silang aktibidad sa ika-40 days nito sa Oktubre 28, 2021.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Davao kay Dr. Salome kasabay ng pagbisita nito sa libingan ng kanyang anak kaninang umaga, kanyang sinabi na patuloy silang nakatutok sa kaso laban kay Julian Ongpin ang kasintahan ni Bree lalo na at ni-raraffle na umano ang kaso nitong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos makuha sa kanyang posisyon ang higit 12 gramo ng cocaine.
Sinasabing may gagawing programa ang pamilya ni Bree sa kanyang 40 days at makikiisa umano sa kanila ang mga kaibigan nito sa Davao at Maynila.
Umaasa pa rin si Salome na makakamit agad nila ang hustisya kahit nirekomenda ng Department of Justice (DoJ) na non-bailable ang kaso sa anak ng business tycon na si Roberto Ongpin.
Nanawagan rin ito sa publiko na makiisa sa kanilang gagawing aktibidad sa Oktubre 28 para kondenahin ang paggamit ng illegal drugs at para ipanawagan ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang anak.
Kung maalala, naabutan na lamang na wala ng buhay si Bree sa loob ng kuwarto sa isang hotel sa La union kung saan huling nakasama nito si Julian.