NAGA CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang ina na umabandona sa kanyang sariling anak na natagpuan sa mangrove area sa Barangay Bonot Calabanga, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Maj. Dino Ben Regaspi, hepe ng Calabanga-Philippine National Police, sinabi nitong matapos ang ilang verifications ng mga otoridad, barangay officials at health workers, tuluyan nang natukoy ang 25-anyos na ina ng sanggol.
Ayon kay Regaspi, base sa pahayag ng babae, ika-tatlo na umano niyang anak ang sanggol kaya pinabayaan niya ito dahil sa hindi alam ng kanyang magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Wala rin daw siyang kapasidad na alagaan ang anak kung kaya naisipan nitong iwanan na lamang sa lugar ang inosenteng sanggol.
Panawagan naman ni Regaspi, kung hindi handa ang isang ina, magtungo lamang sa kanilang ahensya para mabigyan ng karampatang tulong.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang ina para sa karampatang disposisyon.