ZAMBOANGA CITY – Labis ang tuwa na nararamdaman ng ina ni Police Cadet Zandra Gutierrez Tabar na nagtapos sa ikatlong puwesto sa PNPA Mandayog Class 2020.

Sa impormasyong nakalap ng Star FM Zamboanga, hindi maipaliwanag ang sobrang kasiyahan na natamo ng ina ni Police Cadet Zandra Tabar lalo na’t sa 277 na gaduates ng PNPA ngayon taon ay nasa pangatlong pwesto ang kanyang anak na makakatanggap ng award.

Sinabi nito na kung puwede lang sana masakskihan nito ang kanyang anak na nagmamartsa at kumukuha ng kanyang award pero hindi na ito mangyayari dahil sa ipinatupad na community quarantine sa buong bansa dulot pa rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Pandemic.