NAGA CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng San Jose Municipal Police Station ang isang ina na naaresto sa drug buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Brgy. Danlog, San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Mary Ann Pasa-Mendoza, isang meat vendor at residente ng Brgy. Kinalansan ng parehong bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Margarito Manaog, hepe ng San Jose PNP, sinabi nitong nahuli nila si Mendoza matapos magpositibo sa isinagwang operasyon laban dito.

Ayon kay Manaog, dati ng sumuko sa kapulisan noong Nobymbre 21, 2016 si Mendoza ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagpapabili ng ipinagbabawal na gamot.

Nabatid na maliliit pa ang anak ng nasabing suspek mahigpit din umanong binabantayan ng mga otoridad ang mismong asawa nito.