-- Advertisements --

Kinukonsidera ng Department of Education (DepEd) na pahintulutan ang pagdaraos ng mga pagsusulit sa mga paaralan sa harap ng COVID-19 pandemic, ayon kay Assistant Secretary Malcolm Garma.

Sa ngayon ay inaayon pa aniya nila ang guidelines para sa in-person examination, tulad na lamang ng mga isinasagawang “large-scale assessment” gaya ng Programe for International Student Assessment (PISA).

Inaaral din aniya nila ang magiging schedule para sa mga aktibidad na ito, para kung sakali ay gagawin ito nang per batches.

Pero posibleng masimulan na rin aniya ang pagdaraos ng in-person examinations ngayong Marso.

Kahapon, sinabi ng DepEd na 6,925 paaralan sa buong bansa ang handang makibahagi sa “progressive expansion| phase ng face-to-face classes.

Sa naturang bilang, 6,122 paaralan ang nakabalik na sa limitadong in-person classes.